𝗠𝗮𝗹𝗶𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗮𝘁𝗶 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗖𝗼𝗰𝗼𝗻𝘂𝘁 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗹𝗮𝗿𝘀!

Kinilala ngayong araw ang mga bagong scholars sa Davao para sa A.Y. 2025–2026 sa isang seremonyang ginanap sa CHED Regional Office XI, Davao City. Limampu’t isang (51) iskolar ang tumanggap ng tulong pinansiyal (stipend) na nagkakahalaga ng P40,000 para sa 1st semester at one-time laptop allowance na nagkakahalaga ng P30,000 sa ilalim ng CFIDP Coconut Scholarship Program.

Pinangunahan ni Dr. Maricar Casquejo, Regional Director IV ng CHED at Dr. Aldrin Darilag, Department Manager II PMO-PCA ang paggawad ng scholarship grant sa mga bagong iskolar.

Patuloy na isinusulong ng PCA at CHED ang pagpapalakas ng edukasyon para sa mga kabataang dependents ng coconut farmers sa bansa.

h h h h h h