Social Media Article and Caption Writing and Video Production Workshop

Aktibong nakilahok ang mga 𝗖𝗙𝗜𝗗𝗣 𝗙𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗣𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻𝘀, 𝗜𝗻𝗳𝗼𝗿𝗺𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿𝘀 𝗮𝘁 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿𝘀 ng PCA regional offices, sa 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗠𝗲𝗱𝗶𝗮 𝗔𝗿𝘁𝗶𝗰𝗹𝗲 & 𝗖𝗮𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗪𝗿𝗶𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗱 𝗩𝗶𝗱𝗲𝗼 𝗣𝗿𝗼𝗱𝘂𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗪𝗼𝗿𝗸𝘀𝗵𝗼𝗽 sa Philippine Coconut Authority Central Office sa Quezon City.

Layon ng workshop na ito na mas maging epektibo ang pagku-kwento ng tagumpay ng mga magniniyog, paga-anunsiyo ng mga aktibidad at proyekto ng ahensiya at programa na handog para sa mga magniniyog ng bansa.

Ibinahagi ng batikang multi-platform journalist na si 𝗥𝗮𝗽𝗵𝗮𝗲𝗹 𝗕𝗼𝘀𝗮𝗻𝗼 ng ABS-CBN News, ang mahahalagang prinsipyo at teknik sa epektibong pagsusulat ng social media articles at captions. Tinalakay rin niya ang praktikal na mga pamamaraan sa pagkuha ng de-kalidad na video at larawan gamit ang smartphones para sa mobile journalism.

Nagbahagi rin ng kaalaman si 𝗡𝗶𝗴𝗲𝗹 𝗝𝘂𝗻𝗶𝗼 mula sa Strategic Communications Unit ng PMO, sa paggamit ng DSLR camera, kabilang ang tamang kombinasyon ng aperture, ISO, at shutter speed para makalikha ng malinaw at propesyonal na mga kuha.

Para naman sa post-production, itinuro ni 𝗥𝗮𝗹𝗽𝗵 𝗞𝗮𝗿𝗹𝗼 𝗖𝗮𝘆𝗮𝗯𝘆𝗮𝗯 ng Stratcom Unit ang mga kaalaman sa basic video editing, mula sa pag-aayos ng mga kuha, paglalagay ng transition, voice over o background music, hanggang sa tamang pag-export ng video output.

Layunin ng pagsasanay na ito na higit pang mapaigting ang kaalaman at kasanayan ng mga 𝗖𝗙𝗜𝗗𝗣/𝗣𝗖𝗔 𝗜𝗻𝗳𝗼𝗿𝗺𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿𝘀 𝗮𝘁 𝗙𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗣𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻𝘀 sa epektibong pagdodokumento, pagpapahayag, at pagpapalaganap ng mga programa at kuwento ng tagumpay ng mga magniniyog para sa publiko, mga katuwang na ahensya, at mga magniniyog sa buong bansa.

h h h h h h h h h h h h h h