COCO Academy Refinement Workshop

𝗞𝗮𝗽𝗮𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗻𝗶𝗻𝗶𝘆𝗼𝗴 𝗮𝘆 𝗯𝗶𝗻𝗶𝗴𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗸𝗮𝘆𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗼𝗽𝗼𝗿𝘁𝘂𝗻𝗶𝗱𝗮𝗱, 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗼𝗻𝗴 𝗶𝗻𝗱𝘂𝘀𝘁𝗿𝗶𝘆𝗮 𝗮𝘆 𝘀𝗮𝗯𝗮𝘆-𝘀𝗮𝗯𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝘂𝗺𝗮𝗮𝗻𝗴𝗮𝘁.”

Sa pangunguna ng PCA, isinagawa noong Disyembre 15–16, 2025 ang Follow-Up in COCO Academy Refinement Workshop na dinaluhan ng CFIDP implementing agencies, regional managers, at mga eksperto sa industriya.

Sa ilalim ng 𝗖𝗼𝗰𝗼𝗻𝘂𝘁 𝗙𝗮𝗿𝗺𝗲𝗿𝘀 𝗜𝗻𝗱𝘂𝘀𝘁𝗿𝘆 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗣𝗹𝗮𝗻 𝗼 𝗖𝗙𝗜𝗗𝗣, layon ng aktibidad na idokumento ang umiiral na capacity development activities ng CFIDP, matukoy ang mga system-level pattern, mga kakulangan, quality assurance, at outcome tracking, mas maunawaan ang kasalukuyang mga hamon, at ihanda ang mga kalahok sa konsepto ng COCO Academy.

Isa ring halimbawa ang 𝗖𝗢𝗖𝗢 𝗔𝗰𝗮𝗱𝗲𝗺𝘆 ng CONVERGENCE program ng CFIDP, kung saan kikilos bilang isa ang mga implementing agencies para matulungang makaahon sa buhay ang mga magniniyog sa bansa.

Ang mga programang lilinangin sa ilalim nito ay nakaangkla sa apat na haligi:

1. Social Development and Welfare

2. Economic

3. Environmental

4. Governance, System, and Enablement

Nakatuon ang konsepto sa rehabilitasyon at modernisasyon ng industriya ng niyog sa pamamagitan ng pagpapataas ng produktibidad at kita ng mga magniniyog, at sa pagbibigay-lakas sa mga magniniyog, bilang organisasyon.

Sama-samang hakbang tungo sa mas organisado, de-kalidad, at epektibong mga programa para sa pamilya ng magniniyog at sektor ng niyog.

h h h h h h h h