CFIDP Annual Planning Workshop

Masiglang binuksan ang CFIDP Annual Planning Workshop kahapon, Nobyembre 23, 2025! Naging makabuluhan ang mga presentasyon ukol sa Expected Output of the Workshop at Implementation and Assessment Report kung saan mas lalo nating naunawaan ang mga hakbang tungo sa mas epektibong pagpapatupad ng mga programa para sa coconut industry. Isa rin sa mga tampok na bahagi ang pagpapakilala ng Coco Academy, isang pambansang capacity-building at innovation program na layuning palakasin ang kaalaman, kasanayan, at kakayahan ng mga stakeholders sa industriya ng niyog.

Hindi rin nagpahuli ang masarap at makabuluhang presentasyon ng COCO Kusina, na nagbigay-inspirasyon sa paglikha ng mas maraming produktong mula sa niyog na maaaring makatulong sa pag-unlad ng kabuhayan. Patuloy ang masigla at makahulugang talakayan ngayong araw, at mas lalo pa itong iibayo hanggang sa pagtatapos ng workshop bukas, Nobyembre 25, 2025. Sama-sama nating isulong ang mas matatag, makabago, at mas progresibong coconut industry para sa buong bansa!

h h h h h h h h h h