๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ด ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ด๐ป๐ถ๐ป๐ถ๐๐ผ๐ด ๐ฎ๐ ๐ฏ๐ถ๐ป๐ถ๐ด๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ผ๐ฝ๐ผ๐ฟ๐๐๐ป๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฑ, ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ถ๐ป๐ฑ๐๐๐๐ฟ๐ถ๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐-๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐บ๐ฎ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐.โ
Sa pangunguna ng PCA, isinagawa noong Disyembre 15โ16, 2025 ang Follow-Up in COCO Academy Refinement Workshop na dinaluhan ng CFIDP implementing agencies, regional managers, at mga eksperto sa industriya.
Sa ilalim ng ๐๐ผ๐ฐ๐ผ๐ป๐๐ ๐๐ฎ๐ฟ๐บ๐ฒ๐ฟ๐ ๐๐ป๐ฑ๐๐๐๐ฟ๐ ๐๐ฒ๐๐ฒ๐น๐ผ๐ฝ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ฃ๐น๐ฎ๐ป ๐ผ ๐๐๐๐๐ฃ, layon ng aktibidad na idokumento ang umiiral na capacity development activities ng CFIDP, matukoy ang mga system-level pattern, mga kakulangan, quality assurance, at outcome tracking, mas maunawaan ang kasalukuyang mga hamon, at ihanda ang mga kalahok sa konsepto ng COCO Academy.
Isa ring halimbawa ang ๐๐ข๐๐ข ๐๐ฐ๐ฎ๐ฑ๐ฒ๐บ๐ ng CONVERGENCE program ng CFIDP, kung saan kikilos bilang isa ang mga implementing agencies para matulungang makaahon sa buhay ang mga magniniyog sa bansa.
Ang mga programang lilinangin sa ilalim nito ay nakaangkla sa apat na haligi:
1. Social Development and Welfare
2. Economic
3. Environmental
4. Governance, System, and Enablement
Nakatuon ang konsepto sa rehabilitasyon at modernisasyon ng industriya ng niyog sa pamamagitan ng pagpapataas ng produktibidad at kita ng mga magniniyog, at sa pagbibigay-lakas sa mga magniniyog, bilang organisasyon.
Sama-samang hakbang tungo sa mas organisado, de-kalidad, at epektibong mga programa para sa pamilya ng magniniyog at sektor ng niyog.


